"Dapat Tama" is the theme of GMA News and Public Affairs Eleksyon 2013 and 2016 coverage.
Lyrics[]
Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama
Alam natin ang tama, ba't 'di natin ginagawa?
Paulit-ulit na lang na ito ang bagong simula
Simula nang simula, bakit walang natatapos?
Atras abante lagi, pudpod na swelas ng sapatos
Ilang beses nangako, ilang beses napako
'Bat di natin subukan at tulungan at umako?
Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
Pag tayo'y nagsama-sama, lahat ay malalampasan
May mas maayos na bukas para sa'ting mga anak
Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota, 'wag na tayong magpa-uto
Na sa'tin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
Nanggigigil mong itigil ang 'pag pagsisi sa sutil
Na nasa pwestong 'di ka na kilala kapag siningil
Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
Kung 'di tayo kumbinsido, wag na nating ihalal
Dahil sa dulo bawal ang kakamot kamot
Sa katanungang harap-harapang i-aabot
Sinong pinili? 'Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama sa isip at sa salita
Dapat tama lalong lalo na sa gawa
(Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali
(Dapat tama)
Nang ang bayan natin makabangon muli
Dapat tama sa isip at sa salita
Dapat tama lalong lalo na sa gawa
(Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali
(Dapat tama)
Nang ang bayan natin makabangon muli
Dapat tama
Itama natin ang gabay, 'wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magka-akbay, hindi tayo susuko
Malakas na boses, sabay-sabay mangako
Itama natin ang gabay, 'wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magka-akbay, hindi tayo susuko
Malakas na boses, sabay-sabay mangako
Kung walang magpapaloko, wala nang mangloloko
Ang mga bontanteng Pilipino ay 'di mga bobo
Lumiyab 'pag madilim, ituwid ang tiwali
'Di gan'on kasimple 'to, 'di kailangang magmadali
Ang tiwalang inagaw sa tao ng maning-mani
Kahit saan natin pilitin at tigna'y maling-mali
Umahon sa kahirapan at lumangoy sa kumunoy
Kahit ano pang iharang at tumuloy nang tumuloy
Pagdating ng eleksyon, ito ang dapat na panata
Isulat ang kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama
At sa araw na napakabihira lang dumaan
Dapat sa may katuturan, 'wag kang mag-aalangan
Na hawakan ang lubid na siyang nagsisilbing tulay
Gisingin natin ang tulog, tuloy tuloy na mag-ingay
Nang malaman ng lahat sumugaw sabay-sabay
Kinabukasan ng bayan ay na sa'ting mga kamay
Dahil sa dulo bawal ang kakamot kamot
Sa katanungang harap-harapang i-aabot
Sinong pinili? 'Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama sa isip at sa salita
Dapat tama lalong lalo na sa gawa
(Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali
(Dapat tama)
Nang ang bayan natin makabangon muli
Dapat tama sa isip at sa salita
Dapat tama lalong lalo na sa gawa
(Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali
(Dapat tama)
Nang ang bayan natin makabangon muli
Dapat tama
Dahil sa dulo
Bawal ang kakamot-kamot
Sa katanungang
Harap-harapang i-aabot
Sino'ng pinili?
'Pag ang tinta ay humalik
Sa daliring siyang ginamit at nagturo
Ang wala ay maibalik
Dapat tama!
Alam natin ang tama
Ba't di natin ginagawa
Alang-alang sa 'ting bayan,
Dapat tayong makialam
Puro na lang reklamo
Walang tunay na pagkilos
Laging atras-abante
Pudpod na'ng suwelas ng sapatos
Ilang beses nangako
Ilang beses napako
Ba't di natin subukan
Na tulungan at umako
Bumahagi sa bigat
Na matagal na nating pasan
'Pag tayo'y nagsama-sama
Lahat ay malalampasan
Dapat tama
Sa isip at sa salita
Dapat tama
Lalong lalo na sa gawa
Sama-sama nating itama ang mali
Nang ang bayan nati'y makabangon muli
Dapat tama
May mas maayos na bukas
Para sa'ting mga anak
Unang hakbang ay piliin
Ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota
'Wag tayong magpauto
Nasa 'tin ang kapangyarihan
'Pag tayo ang kumibo
Nanggigigil mong itigil
Ang pagsisisi sa sutil
Na nasa puwestong
'Di ka na kilala kapag sinisingil
Sa lahat ng kanyang pangakong
Patagal nang patagal
Kung ‘di tayo kumbinsido,
'Wag na nating ihalal
(Dapat tama)
Itama natin ang gabay,
'Wag na tayong magreklamo
Itaas ang kamay ng
Gusto ng pag-asenso
Balikat na magkaakbay
'Di tayo susuko
Malalakas na boses
Sabay-sabay mangako
Dahil sa dulo
Bawal ang kakamot-kamot
Sa katanungang
Harap-harapang i-aabot
Sino'ng pinili?
'Pag ang tinta ay humalik
Sa daliring siyang ginamit at nagturo
Ang wala ay maibalik
Dapat tama!
Dapat tama
Sa isip at sa salita
Dapat tama
Lalong lalo na sa gawa
Sama-sama nating itama ang mali
Nang ang bayan nati'y makabangon muli
Dapat tama
Sa isip at sa salita
Dapat tama
Lalong lalo na sa gawa
Sama-sama nating itama ang mali
Nang ang bayan nati'y makabangon muli
Dapat tama
Personalities |
| ||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Programs | |||||||||||||||||||
Entertainment productions |
| ||||||||||||||||||
Specials and coverages |
| ||||||||||||||||||
Campaigns | |||||||||||||||||||
Notable officials | |||||||||||||||||||
Other | |||||||||||||||||||
Notes: Entertainment productions solely produced by GMA Public Affairs ![]() ![]() |